[PADA: Hmmm, seems people are waking up all over the world. Slow but sure progress! Yep, Srila Prabhupada ordered that he would be the acharya "henceforward." And the names of future initiates would be placed in his "book of initiated devotees." How did you guess, that means fools, deviants and debauchees -- need not apply for the acharya's job! ys pd]
February 25, 2014 at 8:54pm
Ang JULY 9TH LETTER
Ito ang “JULY 9TH LETTER” na ipinadala sa lahat ng GBCs at mga temple presidents, na hanggang ngayon ay nanatiling bukod tanging may lagda na utos ni Srila Prabhupada hinggil sa pagbibigay ng inisyasyon sa hinaharap para sa buong samahan.
July 9th, 1977Para sa lahat ng G.B.C., at Temple Presidents
Minamahal na Maharajas at Prabhus,
Paki tanggap ang aking mapagpakumbabang pagbibigay galang sa inyong mga paanan. Kailan lang ang lahat ng miyembro ng GBC ay nakasama ni His Divine Grace sa Vrndavana, si Srila Prabhupada ay nagpahiwatig na sa madaling panahon ay hihirangin niya ang ilan sa kanyang mga nakakatandang disipulo upang gumanap bilang “Ritvik”- kinatawan ng acarya, para sa layunin na gampanan ang inisasyon, kapwa unang inisasyon at pangalawang inisasyon.May ibinigay na si His Divine Grace na listahan ng labing-isang disipulo na gaganap sa ganitong kapasidad:His Holiness Kirtanananda SwamiHis Holiness Satsvarupa das GosvamiHis Holiness Jayapataka SwamiHis Holiness Tamal Krsna GosvamiHis Holiness Hrdayananda GosvamiHis Holiness Bhavananda GosvamiHis Holiness Hamsadutta SwamiHis Holiness Ramesvara SwamiHis Holiness Harikesa SwamiHis Grace Bhagavan das AdhikariHis Grace Jayatirtha das AdhikariSa mga nakalipas na taon, ang mga temple presidents ay sumusulat kay Srila Prabhupada para irekomenda ang inisasyon ng deboto. Ngayon dahil meron nang mga pinangalanan si Srila Prabhupada na kanyang mga kinatawan, ang mga temple presidents mag mula ngayon ay maari nang ipadala ang kanilang rekomendasyon para sa una at pangalawang inisasyon sa alinman sa labing isa na kinatawan na mas malapit sa kanilang templo. Pagkatapos pag-aralan ang rekomendasyon, ang mga kinatawan na ito ay maari nang tanggapin ang deboto bilang initiated disciple ni Srila Prabhupada sa pamamagitan ng pagbigay ng spiritwal na pangalan, o sa kaso ng pangalawang inisasyon ay ang pagchant sa gayatri thread, gaya nang ginagawa ni Srila Prabhupada. Ang mga bagong initiated devotees ay mga disipulo ni His Divine Grace A.C. Bhaktivedanta Swami Prabhupada, ang labing-isa na nakakatandang deboto ay gumanap lang bilang kinatawan niya. Pagkatapos matanggap ng temple president ang sulat mula sa mga kinatawan kung saan nakalagay ang spiritual name o ang thread, pwede na niyang gawin ang fire yajna sa temple na dati nang ginagawa. Ang pangalan ng bagong initiated disciple ay kailangan ipadala ng kinatawan na tumanggap sa kanila para kay Srila Prabhupada, upang mapabilang sa His Divine Grace’s “Initiated Disciples” book.
Naway nasa mabubuti kayong kalagayan pagkatanggap nyo ng sulat na ito.
Ang inyong utusan,(pirma makikita sa orihinal na dokumento)Tamal Krsna GosvamiSecretary to Srila Prabhupada
Pinagtibay:(Ang pirma ni Srila Prabhupada ay makikita sa orihinal na dokumento)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.